Erik Matti at Judy Ann Santos muling magsasama sa isang proyekto

Matapos ang 15 taon, muling magsasama sa isang proyekto sina Young Superstar Judy Ann Santos at award-winning director na si Erik Matti.

Sa isang Instagram post ng film outfit ni Matti na Reality Entertainment, inanunsyo ang reunion project ng dalawa sa 2019.

Nagbahagi din ng larawan ng naganap na contract signing si Judy Ann Santos sa kanyang sariling Instagram account.

Huling nagkatrabaho ang dalawa sa 2003 Metro Manila Film Festival entry na ‘Mano Po 2: My Home’.

Sa ngayon ay abala si Judy Ann para sa kanyang pagbabalik teleserye sa 2019.

Bibida para sa seryeng ‘Starla’ ang aktres.

Read more...