Nicanor Faeldon Jr., kakasuhan pa rin kahit hindi nakuhaan ng droga

Photo: Police Regional Office – 5

Bagaman walang nakuhang illegal drugs sa anak ni Bureau of Customs (Bucor) director Nicarnor Faeldon, ang presensya nito sa lugar kung saan naroon ang isang drug suspect ay sapat na para ito ay makasuhan.

Ayon kay Naga City chief of police Sr. Supt. Felix Servita Jr., sasampahan ng drug possession si Russel Lanuzo.

Sa bahay ni Lanuzo nadatnan ang anak ni Faeldon na si Nicanor Faeldon Jr. nang magsagawa ng raid ang pulisya.

Dahil dito, si Faeldon Jr, pati ang 2 pang naaresto na sina Allan Valdex at Manuel Nebres ay nahaharap din sa kaso dahil nasa bahay sila ni Lanuzo kung saan may nakuhang droga.

Sinabi ni Servita na hindi nila inasahan na nasa bahay ng subject ng search warrant ang anak ni Faeldon.

Tiniyak naman ng Naga City Police na magiging patas sila sa paghawak ng kaso.

Read more...