Ayon kay Lacson mistulang haka-haka lang ang mga alegasyon at wala pang matibay na ebidensiya.
Ngunit para sa senador, pabor siya na maimbestigahan sa Kongreso, sa Kamara man o sa Senado ang mga alegasyon.
Sinabi nito maaring nagsisimula pa lang sumingaw ang baho ng ‘unwarranted realignments’ sa General Appropriations Act, maging sa paghahanda sa National Expenditure Program.
Dagdag pa nito, kapag naimbestigahan ang mga alegasyon maaring makadiskubre pa ng ibang anomalya sa proposed P3.75 billion 2019 national budget.
Unang ibinunyag ni Lacson na nagkaroon ng tig-P60 milyon alokasyon ang halos 300 kongresista sa isinusulong na pambansang budget at may mga nakatanggap pa ng hiwalay na bilyon-bilyong pisong alokasyon para sa mga programa at proyekto sa kani-kanilang distrito.