DOTr nakiusap sa Angkas na sundin ang desisyon ng SC

Photo credit: Angkas

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa Angkas na igalang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa deklarasyon ng LTFRB na ilegal ang kanilang operasyon.

Nakasaad sa Republic Act 4136 na ipinagbabawal na gawing public transport ang isang pribadong motorisklo at sa inilabas na pahayag ng kagawaran sinabi na mababago lang ang probisyon kung aamyendahan ng Kongreso ang naturang batas.

Kaya’t ang mga nagpapasakay at naniningil ng pasahe sa mga pribadong motorsiklo ay maituturing na colorum o ilegal ang operasyon.

Nabanggit din sa pahayag na walang proteksyon o hindi mahahabol ang mga pasahero na madidisgrasya sa pagsakay sa mga colorum.

Ibinahagi din ng DOTR na base sa datos ng Philippine Statistics Authority, noon 2015 higit sa 10,000 ang namatay sa mga aksidente sa kalsada at 65 porsiyento sa mga ito ay sangkot ang motorsiklo.

Read more...