Trillanes tiniyak na babalik siya ng bansa matapos ang biyahe sa Europe at Amerika

INQUIRER.net Photo | Daphne Galvez

Tiniyak ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi siya tatakas matapos siyang lumabas ng bansa para sa speaking engagements sa Europe at Amerika.

Matapos ang kanyang talumpati sa University of Amsterdam, sinabi ni Trillanes na nasa bansa siya para tuparin ang kanyang commitment sa unibersidad at ang meeting sa Filipino communities doon.

Umalis sa Pilipinas ang senador matapos maglagak ng bail bond sa korte sa Pasay City para sa kasong libel na isinampa ni Presidential Son Paolo Duterte.

Pansamantalang laya naman si Trillanes sa kasong rebelyon matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya.

Ayon sa mambabatas, tiyak na babalik siya sa Pilipinas sa January 11 bilang patunay na hindi siya tatakas sa anumang kaso laban sa kanya.

Sa kanyang talumpati sa mga estudyante at faculty ng University of Amsterdam, ipinaliwanag ng senador ang extrajudicial killings sa bansa at ang malapit na ugnayan ng Pilipinas at China sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Bumisita rin si Trillanes sa isang environmental agencys sa The Netherlands.

Nakatakda ring magtulampati ang senador sa University of Leiden at bibiyahe ito sa UK at Spain bago bumalik sa Pilipinas.

Read more...