Lady MMDA traffic enforcer na inakusahan ng pambu-bully, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng MMDA ang viral video kung saan mapapanood ang pakikipagtalo ng isang babaeng traffic constable sa isang motorista.

Sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago may spot report na ang insidente at ito ay naipadala na sa kanilang Traffic Discipline Office.

Dagdag pa ni Pialago dapat magsilbing paalala sa kanilang traffic constables na magbaon at habaan ang kanilang pasensiya kapag nakikipagtalo sa kanila ang hinuling motorista.

Aniya kahit insultuhin pa o asarin dapat ay palagpasin na lang ng traffic enforcers.

Sinabi pa nito na aalamin din nila ang panig ng traffic constable sa video na nakilalang lang na Vergara ngunit pagdidiin niya hindi nila kinukunsinti ang mga maling asal.

Sa video na na-post sa Facebook ng motoristang si Albert Bugarin sinabi nito na pinagsabihan siya ni Vergara ng pangit na ang mukha, salbahe pa.

Ayon kay Bugarin ibang traffic constable ang humuli sa kanya ngunit si Vergara ang humarap kaya’t inakusahan niya ito ng pambu-bully.

Wala ng ibang detalye na ibinahagi si Bugarin sa kanyang post.

Read more...