Sa memorandum order ng DICT, pinagbubuo nito ng alituntunin ang National Telecommunications Commission (NTC) para makapagpatupad ng mandatory unlocking sa mobile devices kapag natapos na ang lock-in period na itinatakda ng mga telco.
Sinabi ng DICT na layon nitong matiyak na mabibigyan ng laya ang subscribers sa paggamit ng kanilang device at pagpili ng network provided na kanilang nanaisin.
Ayon kay DICT officer-in-charge Eliseo Rio, bahagi ito ng pro-consumer measures ng pamahalaan.
Sinabi ng DICT, kapag ang subscribers ay nakumpleto na ang lock-in periods na itinakda ng telco at wala na itong bayarin pwede na dapat silang mag-demand ng pag-unlock sa telecommunication firms kung saan nila binili o nakuha ang kanilang mobile phones.
Sa ngayon kasi, kahit natapos na ang lock-in period, at tapos nang bayaran ang isang device, nananatili itong nakalock sa network provider kung saan binili ng subscriber ang kaniyang mobile phone o tablet.