Walang whitewash sa kaso ng anak ni Faeldon – Malakanyang

Photo: Police Regional Office – 5

Tiniyak ng Malakanyang na walang magaganap na whitewash sa kaso ng naarestong anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Nicanor Faeldon.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong natanggap na ng Malakanyang ang spot report mula sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkaka-aresto sa anak ni Faeldon na si Nicanor Jr., kasama ang apat na iba sa Naga City.

Kasabay nito pinapurihan din ng Malakanyang si Director Faeldon sa agaran nitong pahayag na hindi niya kukunsintihin kung nagkasala man ang anak.

Binanggit din ng palasyo ang alok ni Faeldon na magbitiw siya sa pwesto sa sandaling mapatunayang sangkot nga ang anak niya sa ilegal na droga.

Read more...