Humingi ng permiso sa Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada para payagan siyang magtungo sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya.
Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Estrada na bibiyahe siya sa Hong Kong sa loob ng limang araw mula Dec. 26 at babalik siya sa Pilipinas sa Dec. 31.
Ito aniya ang magiging panahon niyang makasama ang pamilya bago siya muli maging busy sa susunod na taon para paghandaan ang kaniyang kampanya.
Tiniyak ng kampo ni Estrada na magbabayad ito ng P2.66 million na travel bond sa sandaling siya ay payagan ng korte.
Tinutulan naman ng prosekusyon ang hiling na ito ni Estrada dahil hindi naman umano urgent ang dahilan ng pagbiyahe ng dating senador at maari naman niyang makasama ang kaniyang pamilya nang hindi umaalis ng bansa.