Looc, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.

Naitala ang lindol sa 5 kilometers South west ng Looc alas 10:54 ng umaga ng Biyernes, Dec. 14.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 14 kilometers.

Naitala ang Intensity II sa Lubang Island, Occidental Mindoro bunsod ng naturang pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...