66 na ASG members hinatulang guilty sa kasong pagdukot sa mga guro at estudyante sa Basilan

Hinatulang guilty ng korte sa Pasig City ang 66 na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kasong pagdukot sa mga guro at mga estudyante sa Basilan noong taong 2000.

Sa desisyon ng Pasig Regional Trial Court Branch 216, napatunayang guilty sa kidnapping at serious illegal detention ang mga miyembro ng bandidong grupo at bawat isa sa kanila ay inatasan na magbayad ng P9 milyon para sa ginawang krimen.

May kaugnayan ang kaso sa pagdukot sa sa 52 guro at mga mag-aaral ng Tumahubong Elementary School at Claret School sa bayan ng Sumisip sa Basilan noong March 20, 2000.

Napawalang-sala naman sa kaso ang 21 na iba pa.

Noong kasagsagan ng pagdukot sa mga biktima, nagtungo pa sa hideout ng Abu Sayyaf ang aktor na si Robin Padilla para personal na umapela sa pagpapalaya sa mga biktima.

Unang pinalaya ang 18 hostages kapalit ng 200 sako ng bigas.

Read more...