Simula sa susunod na taon, matatanggap na ng mahigit 6,000 beterano ng World War 2 at Korean at Vietnam Wars ang 300 porsiyentong pagtaas sa kanilang buwanang pension.
Sinabi ni Sen. Gringo Honasan, ang pangunahing may-akda ng Senate Bill 1766, hinihintay na lang ang pirma ni Pangulong Duterte sa resolusyon na naipadala sa Malakanyang noong Nobyembre 26.
Sa panukala, mula sa P5,000 ay magiging P20,000 na ang monthly old age pension mula sa AFP ng mga Filipino war veterans, ngunit hindi ito maaring mailipat sa dependents kapag namatay na ang pensioner.
Ang panukala ay mangangailangan ng karagdagang P887.94 milyon pondo para sa AFP.
Ayon kay Honasan minabuti nang maging batas ang karagdagang pensyon sa mga beterano para hindi na ito mabago basta-basta ng mga uupong pangulo ng bansa.