LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Dec. 14, 2018

(UPDATE) Kanselado ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, Dec. 14, 2018.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 5J 323 at 324 Manila – Legazpi – Manila ng Cebu Pacific.

Gayundin ang flights DG 6177 at 6178 Manila – Masbate – Manila ng CebGo.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Bicol Region.

Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...