Balangiga Bells dumating na sa Eastern Samar

Radyo Inquirer Photo | JAP DAYAO

Dumating na sa Guiuan, Eastern Samar ang Balangiga Bells.

Alas 8:53 ng umaga nang lumapag sa Guiuan Airport ang C-130 sakay ang mga kampana.

Maagang ibiniyahe ang mga kampana mula Villamor Air Base patungo sa Eastern Samar.

Tatlong military truck na may kargang mga sundalo ang nag-abang sa pagdating ng mga kampana sa sa paliparan sa Guiuan.

Isinakay naman agad sa military truck ang mga kampana para dalhin na sa bayan ng Balangiga.

Read more...