4 na dayuhan na nahuli sa floating shabu lab sa Olongapo hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo

Inquirer Photo | Allan Macatuno

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang apat na dayuhan na nahuli sa natuklasang “floating shabu laboratry” sa Olongapo City.

Ang apat na Hong Kong nationals ay hinatulang guilty ng Olongapo City Regional Trial Court Br. 74 sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Kabilang sa sinentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo ay si Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok, at Kwok Tung Chan.

Naaresto ang apat noong July 11, 2016 sakay ng isang barko sa karagatang sakop ng Barangay Calapandayan.

Nakuha sa kanila ang tinatayang aabot sa 467.8 grams ng shabu, at hydrogenerator na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.

Read more...