Faeldon magbibitiw sa BuCor kung sangkot ang anak sa ilegal na droga

Inquirer File Photo

Magbibitiw sa pwesto si Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon kapag napatunayang sangkot sa illegal drug trade ang kaniyang anak na si Nicanor Jr.

Kinumpirma na din ng nakatatandang Faeldon na kasama ang kaniyang anak sa inimbitahan ng Naga City Police matapos madatnan sa bahay ng drug suspect na si Russel Lanuzo na siyang target ng search warrant sa Brgy. Mabolo sa Naga City.

Sinabi ni Dir. Faeldon, ang anak niya at kaniyang girlfriend ay lumipat at nanirahan sa Naga anim na buwan na ang nakararaan.

At si Lanuzo na target ng operasyon ng mga pulis ay ama ng girlfriend ni Nicanor Jr., kaya nang sumalakay ang mga otoridad ay nadatnan ito doon kasama ang girlfriend at kabilang sila sa dinala sa presinto.

Paliwanag ni Faleodn, tinitiyak niya sa publiko magbibitiw siya sa pwesto sakaling mapatunayang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang anak o kahit gumagamit man lang.

Sinabi pa ni Faeldon na siya mismo ang magpapataw ng parusa dito at papatayin niya ang anak kapag sangkot sa illegal drugs.

Hindi aniya sa kaniya lumaki ang anak, dahil ito ay nasa kaniyang nanay.

Mula Mapua ay nagtransfer si Nicanor Jr. sa Ateneo de Naga kung saan ito kasalukuyang working student.

Read more...