Rollback sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba muli sa susunod na linggo

May posibilidad muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay dahil bumaba ang presyuhan ng sa oil products ngayong linggong ito.

Ayon sa pagtaya ng kumpanyang Jetti Petroleum, sa kanilang datos, maaring nasa pagitan ng 30 centavos hanggang 35 centavos ang mababawas sa kada litro ng diesel.

Habang 20 hanggang 25 centavos per liter naman ang posibleng mabawas sa halaga ng gasolina.

Maari pang magbago ang nasabing estimated na halaga ng rollback depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw ng Biyernes.

 

Read more...