14th death anniversary ni FPJ ginunita ng kaniyang pamilya

INQUIRER.net Photo | DAPHNE GALVEZ

Ginunita ng pamilya ng yumaong si Fernando Poe Jr., ang ika-14 na anibersaryo ng kaniyang kamatayan.

Isang misa ang idinaos sa libingan ni The King sa Manila North Cemetery, Biyernes (Dec. 14) ng umaga.

Si Fr. Larry Faraon ang nanguna sa misa.

Dinaluhan ito ng kaniyang pamilya at mga kaibigan sa pangunguna ni Susan Roces at Senator Grace Poe.

Dumating din ang kapatid ni The King na si Elizabeth Poe.

Dec. 14, 2004 nang pumanaw ang aktor, ilang buwan matapos siyang matalo sa presidential elections.

Read more...