Walang Pinoy na nadamay sa aksidente ng isang tren sa Turkey – DFA

Walang Pinoy na nadamay sa aksidenteng kinasangkutan ng isang tren sa Turkey na ikinasawi ng pitong katao.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), iniulat ni Ambassador to Turkey Ma. Rowena Sanchez na walang Filipino na kabilang sa mga nasawi o nasugatan sa aksidente.

Kasabay nito nagpaabot ng pakikiramang ang DFA sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente na naganap sa Ankara.

Patungo sa central province na Konya ang tren nang ito ay maaksidente.

Maliban sa mga nasawi ay mayroon pang 46 na nasugatan.

Read more...