Pasig police nagsagawa ng send-off ceremony sa mga ipakakalat na tauhan ngayong panahon ng Kapaskuhan

PHOTO: PASIG PCR-PIO

Nagdaos ng send-off ceremony ang Pasig City Police Station sa mga tauhan nilang ipakakalat para sa magpanatili ng kapayapaan ngayong Kapaskuhan.

Sa idinaos na seremonya, maliban sa mga pulis na itatalaga, inihanay din ang mga motorsiklo at police mobile na kanilang gagamitin sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa kanilang nasasakupan.

Pinangunahan ni Acting Pasig City Police chief Sr. Supt. Rizalito Gapaz ang send-off ceremony.

Maliban sa kanilang operasyon para sa “Ligtas Paskuhan 2018”, kasama ring pinaghahandaan ng Pasig City poliec ang 2019′ midterm elections.

Read more...