Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinuman ang dapat umangkin sa pagkilala sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa Las Piñas, iginiit ng presidente na naibalik ang mga makasaysayang kampana dahil sa hiling ng lahat ng mga Filipino at walang kahit sinuman ang dapat umangkin nito.
Matatandaang naibalik na sa bansa ang Balangiga Bells noong Martes matapos ang 117 taon.
Aminado naman ang presidente na pagmamay-ari ng Simbahang Katolika ang mga kampana ng Balangiga.
Personal na ihahatid ni Duterte ang mga kampana sa Eastern Samar bukas ngunit iginiit na hindi siya dadalo sa Misa para rito.
Ayon sa presidente, ibibigay sa kanya ng gobyerno ng Amerika ang Balangiga Bells at matapos nito ay ipapasa niya sa local officials at ang local officials ang magbibigay nito sa mamamayan ng Balangiga partikular sa Simbahan ng naturang bayan.