Mahihinto lamang ang patayan sa giyera kontra droga kung tatalikuran ng mga user at pusher ang iligal na droga.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Las Piñas kagabi.
Umapela ang presidente sa mga may kaibigan o anak na gumagamit ng bawal na gamot na ihinto ang droga upang matigil na rin ang mga patayan.
Kung nais anya ng bawat isa na mamuhay nang mapayapa lalo na ang ang mga takot sa extra judicial killings (EJKs) ay dapat lamang talikuran ang droga at tiyak na bukas na bukas ay mahihinto na patayan.
Laman ng batikos ng human rights groups ang madugong drug war ng administrasyon at iginigiit na ang mga nasasawi ay biktima ng extrajudicial killings o pinatay ng mga alagad ng batas.
Noon pa man ay itinatanggi ng administrasyon ang alegasyong ito.
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 5,000 na ang nasasawi sa giyera kontra droga simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte.
Nahaharap pa ang presidente sa reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).