Panawagan niyang ipapatay ang mga obispo, ipinagtanggol ni Pangulong Duterte

Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panawagang ipapatay ang mga obispo na kritikal sa kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa Las Piñas, iginiit ni Duterte na kung ang mga pari anya ay humihiling na siya ay mamatay na, bakit mismong siya ay hindi pwede?

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang naging biro noon ni Father Noel Gatchalian Setyembre na ipinagdasal umano niya na magkasakit sana si Duterte.

Nagmisa si Father Gatchalian noon sa Senate building dahil sa pagbawi ni Pangulong Duterte sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes.

Pabirong sinabi ng pari na dahil sa pambabastos ng presidente sa Simbahang Katolika at sa Diyos ay kanyang ipinagdasal na sana ay magkasakit ito.

Matatandaang umani ng batikos si Duterte matapos tawagin na istupido sa Diyos at kwinestyon din nito ang creation story sa Bibliya.

Samantala, sa kanyang talumpati ay sinabi naman ni Duterte na hindi mapupunta sa langit ang mga pari kapag sila ay namatay na dahil karamihan aniya sa kanila ay bakla.

Read more...