Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na mas maganda sana kung ang ginamit niyang slogan noong 2016 presidential elections ay ang ‘Sipag at Tiyaga’ kaysa sa DDS.
Ang ‘Sipag at Tiyaga’ ay ang slogan ni dating Senate President Manny Villar noong tumakbo ito sa pagkapresidente noong 2010 elections.
Sa kanyang talumpati sa kaarawan ni Villar sa Las Piñas, pabirong sinabi ni Duterte na dapat ang slogan ng dating senador ang kanyang ginamit kaysa sa DDS o Davao Death Squad na pagkakamali anya ng kanyang public relations team.
Samantala, pinuri naman ng presidente si Villar sa naging mga kontrobusyon nito sa pag-unlad ng bansa.
Ani Duterte, bagaman galing sa hirap, si Villar ay halimbawa ng pagsusumikap at pagtitiyaga.
Isa anyang inspirasyon ang istorya ng buhay ng dating senador.