National Museum itinangging may kinalaman sa planong paglalagay ng Balangiga Bells sa Maynila

Walang direktang kaugnayan ang pamunuan ng National Museum sa panukala ni Senador Migs Zubiri na ilagay ang isa sa tatlong mga Balangiga Bells sa museo sa Maynila.

Nanggaling ang pahayag mula mismo sa direktor ng Pambansang Museo na si Jeremy Barns.

Aniya, nalaman lamang nila ang tungkol sa naturang plano matapos ilabas ni Zubiri ang resolusyon.

Ngunit ayon kay Barns, kung kakailanganin ang kanilang serbisyo sa pangangalaga sa isa sa mga kampana ay handa silang gamapanan ang kanilang tungkulin.

Ikinalugod din ni Barns ang suporta at kumpyansa ni Zubiri sa National Museum upang maging bagong tahanan ng Balangiga Bell.

Samantala, matapos ang negatibong reaksyon ng Diocese of Borongan tungkol sa panukala, hindi aniya niya naiwasang malungkot dahil sa mga nakaraang pagkakataon ay maayos naman ang relasyon ng mga cultural agencies ng pamahalaan at mga simbahan.

Aniya, sa ngayon ang tanging magagawa ay ituro sa publiko ang kahalagahan ng church heritage at importansya nito sa buong bansa, kasama ang mga kaibigan mula sa Simbahang Katolika.

Read more...