Sinabi ng Department of Foreign Affairs na wala pa silang natatanggap na report na may Pinoy na kasama sa mga namatay o sugatan sa naganap na coordinated terror attack sa Paris France.
Sa pinakahuling advisory, sinabi ni DFA spokesman Asec. Charles Jose na patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad at pagamutan sa Paris ang mga tauhan ng ating embahada para sa mga updates.
Tiniyak rin ng DFA na kaagad silang maglalabas ng mga detalye ng mga balita sakaling maka-kuha sila ng mga bagong impormasyon kaugnay sa kalagayan ng mga Pinoy sa Paris.
Sa kanyang mensahe sa twitter account, sinabi ni dating Climate Change Commissioner Yeb Saño na ligtas siya ang kanyang mga kasamahan sa naganap na pag-atake.
Ang grupo ni Saño ay kasalukuyang nasa Paris para dumalo sa Climate Change forum na nakatakdang ganapin doon.