Binatikos ni U.S President Barack Obama ang pinakahuling terror attack sa Paris France kung saan ay umabot na sa 160 katao ang patay at inaasahan pang tumaas ang nasabing bilang.
Inilarawan ni Obama ang nasabing pangyayari bilang, “attack on all humanity” kasabay ang pagtiyak ng suporta sa pamahalaan ni French President Francois Hollande.
Kasabay nito, ipinag-utos naman ng U.S State Department na ilagay sa pinakamataas na alerto ang lahat ng kanilang mga embahada sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
Pinayuhan din nila ang kanilang mga kababayan sa buong mundo na maging maingat sa pagpunta sa mga matataong lugar.
Sa kanilang pahayag, sinabi naman ng Department of Homeland Security na wala silang namomonitor na threat o banta sa America.
Bukod kay Obama, inaasahan din ang pag-kondena ng United Nations sa nasabing terror attack sa Paris.