Pahayag ito ng palasyo matapos akusahan ni Suarez na naglaan si Diokno ng P2 billion budget para sa infrastructure projects ng Sorsogon na ayon sa kongresista ay may anggulo ng conflict of interest.
Pahayag ni Panelo, kung sino ang nag-aakusa ay siyang dapat na maglabas ng patunay o anomang katibayan.
Pinaka-basic aniya na kapag nag-akusa ang isang tao dapat ay may kaabikat itong ebidensiya.
Pero habang hindi aniya napatutunayan ang nasabing akusasyon, sinabi ni Panelo na hindi magbabago ang pagkakilala ng Malacañang sa integridad ni Diokno.