Sinabi ng Oxford na ngayong taon, ang salitang “toxic” ay gamit na gamit ng mga tao.
Ito ay ginagamit sa paglalarawan ng iba’t ibang bagay, sitwasyon o pangyayari, at karanasan.
Ayon sa Oxford, sa kanilang datos, tumaas ng 45% ang bilang ng ilang beses na paghanap ng salitang “toxic’ sa oxforddictionaries.com.
Sinabi ng Oxford na batay sa orihinal na kahulugan, ang ibig sabihin ng “toxic” ay nakalalason.
Pero kamakailan, ginagamit na ang “toxic” sa paglalarawan ng workplaces, eskwelahan, kultura, relasyon at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES