3 Abu Sayyaf, 1 sundalo, patay sa sagupaan sa Sulu

Patay ang tatlong rebelde at isang sundalo sa sagupaan na naganap sa Sulu.

Ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naganap ang engkwentro alas 2:25 ng madaling araw ng Huwebes (Dec. 13) sa bayan ng Patikul.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang dalawang sundalo na nasugatan sa insidente.

May nakuha namang dalawang M40 rifles ang mga sundalo sa lugar na pinangyarihan ng ekngwentro.

Read more...