8 sasakyan nasunog sa isang compound sa Cebu City

CDN Photo | Benjie Talisic

Walong sasakyan ang tinupok ng apoy sa Barangay Tisa sa Cebu City.

Ayon sa mga residente sa bahagi ng Sitio Sunflower, posibleng ang mga basura na sinilaban ng mga bata ang pinagmulan ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy at nasunog ang mga sasakyang nakaparada sa isang pribadong compound.

Isang bahay din ang nadamay sa sunog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Read more...