Pangulong Duterte binalaang matulad kay dating Pangulong Erap dahil kay Budget Secretary Diokno

Binalaan ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pananatili ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa kanyang gabinete.

Ayon kay Andaya, dapat kausapin ng pangulo si Diokno dahil baka matulad ito sa nangyari kay dating Pangulong Joseph Estrada na pinaglingkuran din ni Diokno.

Sinabi nito na baka ihulog din sa bangin ni Diokno si Pangulong Duterte tulad ng ginawa nito kay dating Pangulong Erap.

Paliwanag pa ni Andaya, dapat may maayos na relasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang isang miyembro ng gabinete.

Sa kaso aniya ni Diokno ay may lamat na ang relasyon nito sa lehislatura.

Samantala, kung si House Minority Leader Danilo Suarez ang tatanungin dapat magbitiw na sa puwesto si Diokno dahil pabigat na iti sa adminiatrasyon.

Read more...