Matapos na muling palawigin ng Kongreso ang martial law sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon, inutusan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang armed wing nitong New People’s Army (NPA) na magsagawa ng mga pag-atake sa buong bansa.
Sa isang statement, nanawagan ang CCP sa lahat ng NPA members na maglunsad ng mga tactical offensive bilang tugon sa isa pang martial law extension.
Nakasaad sa pahayag na ang lahat ng NPA units ay dapat na parusahan ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na anila ay gumagawa ng krimen laban sa mga tao.
Sinabi pa ng CPP na lalala ang kurapsyon sa AFP at Philippine National Police (NPA) dahil sa kapangyarihan nila sa ilalim ng batas military.
Dagdag ng grupo, lalong sasamantalahin ng militar ang martial law sa 2019 midterm elections.
Hinimok din ng CPP ang publiko na magprotesta laban sa batas militar.