Pangulong Duterte hinimok ng Kamara na “sibakin” si Diokno

Hinimok si Pangulong Rodrigo Duterte ng Kamara na irekunsidera ang pagkatalaga kay Budget Sec. Benjamin Diokono.

Inihain ni Minority Leader Danilo Suarez ang House Resolution No. 2365 at agad itong inadopt sa sesyon sa plenaryo.

Inakusahan nina Suarez at Majority Leader Rolando Andaya Jr. si Diokno na umanoy pakana ng sinasabing “insertion” ng P75 billion na pondo para sa imprastraktura sa panukalang 2019 national budget na hindi alam ng Pangulo.

Itinanggi naman ni Diokno ang naturang alegasyon.

Binanggit sa resolusyon na sa Question Hour ng Kamara, nabigo ang Kalihim na ipaliwanag kung paano nakakuha ang isang construction company ng ilang proyekto mula sa lokal na pamahalaan sa Sorsogon na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Ayon kay Suarez, nakakaduda ang integridad ni Diokno at paggamit nito ng kanyang posisyon sa isyu sa pagitan ng interes ng kanyang pamilya at ng publiko.

Parehong sinabi ng kongresista na hindi alam ng Pangulo at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P75 billion na umanoy isiningit na infrastructure fund para sa national budget sa susunod na taon.

Sinabi pa sa resolusyon na ang mga kaukulang kongresista ay wala ring alam ukol sa pondong inilaan sa kanilang distrito.

Read more...