Isang eroplano ng PAL Express ang kinailangang isailalim sa maintenance check pagkalapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng Philippine Airlines galing sa Bacolod City ang Airbus ng PAL Express at kalalapag lamang sa runway pasado 11:00 kaninang umaga nang mapansin ang nasusunog na amoy mula sa avionics compartment nito.
Pero ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hindi nagdeklara ang eroplano ng emergency landing dahil nakalapag na ito nang mapansin ang problema.
Ligtas naman na nakababa ang lahat ng pasahero ng PAL Express habang ang eroplano ay agad na dinala sa isolation bay ng paliparan para sumailalimsa pagsusuri.
Samantala, tiniyak ng PAL na nasa maasyos na kundisyon ang kanilang mga eroplano para sa domestic at international flights.