Pahayag ito ng palasyo matapos aprubahan ng kongreso ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao ng isang taon at patuloy na pairalin ang suspension ng habeas corpus.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, positive development para sa palasyo na katigan ang hirit ng pangulo.
Tiniyak ng opisyal na mahigpit na susundin ng mga pulis at sundalo ang karapatan ng bawat mamayan sa Mindanao.
Nagpapasalamat aniya ang palasyo sa mga mambabatas na nakiisa sa pananaw ng ehekutibo na ang pagpapalawig sa martial law ay para lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing rehiyon.
Umaasa aniya ang palasyo na magkakaroon ng substantial progress para matugunan ang rebelyon at maitaguyod ang peace and order sa Mindanao.
Nauna dito ay nanindigan ang liderato ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na patuloy ang banta ng terorismo at rebelyon sa rehiyon kaya dapat lamang na palawigin ang martial law doon.