PDEA: Mas mataas na konsumo sa droga asahan ngayong kapaskuhan

Minomonitor ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga sirkulasyon ng droga ngayong Christmas season.

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, ngayon ay “season” o kabi-kabila ang Christmas parties.

At dahil dito, mataas din aniya ang konsumo ng mga ilegal na party drugs.

Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na operasyon ng kanilang grupo laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng iligal na droga.

Wala namang maibigay na eksaktong bilang o percentage si Aquino ukol sa pagtaas ng konsumo ng party drugs ngayong holiday season.

Pero tututukan aniya ito ang PDEA, at hindi titigil sa pag-iikot lalo na sa rave parties upang matiyak na hindi nagagamit ang mga party drug sa anumang okasyon o pagtitipon.

Read more...