Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bubusiin ng husto ng ehekutibo kung mayroong anomalya sa pambansang pondo.
Gayunman, sinabi ni Panelo na pinabulaanan na ni Diokno ang alegasyon ni Andanya.
Malinaw aniya ang polosiya ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinasanto ang kanyang administrasyon sa usapin ng korupsyon.
Hindi rin aniya hahayaan ng pangulo na magkaroon ng mga paboritong distrito.
Dapat ayon kay Panelo, pantay-pantay na mahahati ang pondo para mabigyan ng maayos na serbisyo ang publiko.
Pinaiimbestigahan na rin aniya ng palasyo ang pagkakauha ng CT Leoncio Construction and Trading sa mga proyekto ng pamahalaan.