Sa ganitong paraan, ayon kay Panelo matitigil na ang gulo sa pagpasa ng pambansang budget na karaniwang nagkakaroon ng mga singitan o budget insertion.
Sinabi pa ni Panelo na ang naturang mekanismo ang solusyon para matugunan ang graft and corruption sa pambansang pondo.
Dagdag ni Panelo, mapapadali rin ang accountability dahil agad na matutukoy kung sino ang nangurakot sa pondo.
Una rito, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na aabot sa mahigit limang bilyong piso ang nakasingit sa 2019 national budget.
MOST READ
LATEST STORIES