2 duktor ng Philippine Children’s Medical Center pinahaharap sa hearing ng DOJ sa dengvaxia

Pinadalhan na ng subpeona ng Department of Justice (DOJ) sina Dr. Raymundo Lo at Dr. Sonia Gonzales ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Pinasisipot ang dalawa para humarap sa DOJ panel na may hawak ng 2nd batch ng mga criminal complaint na isinampa ng mga magulang ng walong batang nasawi na iniuugnay sa bakuna kontra dengue na dengvaxia.

Itinakda ng DOJ panel sa Biyernes, December 14 ang pagharap nina dr gonzales at dr. Lo.

Una ng isinama ng public attorneys office sina Dr Lo na dating Assistant Executive Director ng PCMC at Dr. Sonia Gonzales sa 2nd batch ng dengvaxia cases na sinampa sa DOJ dahil sa sangkot umano ang dalawa sa pagbili ng nasa 3 bilyong pisong halaga ng dengvaxia vaccine noong January 21, 2016.

Read more...