Ang kaso ay may kaugnayan sa maanomalyang pagkuha umano ni Angping ng 80 janitorial personnel sa PSC.
Batay sa 46 na pahinang desisyon ng Sandiganbayan Sixth Division iniutos din nito na bawiin ang hold departure order laban kay Angping at isauli ang kaniyang bail bond.
Inabswelto din sa kaso ang dating general manager ng Philcare Manpower Services na si Edmundo Montanes.
Nag-ugat ang kaso nang magsabwatan umano sina Angping at Montanes sa pag-hire ng 71 janitors at 9 na hardinero nang hindi kumukuha ng karampatang requirements.
Sa akusasyon ng prosekusyon pinaburan umano ni Angping ang Philcare nang lagdaan ang kontrata.
Binayaran ng PSC ang 80 tauhan ng P15,324.42 kada buwan mula March 2009 hanggang January 2011.