Facebook campus sa California, binulabog ng bomb threat

Binulabog ng bomb threat ang gusali ng Facebook sa California.

Kinailangang magpatupad ng forced evacuation sa gusali na nasa bahagi ng Menlo Park para masiguro ang kaligtasan ng mga naroroon.

Sa ulat ng KGO-TV, local television channel na pag-aari ng ABC isang impormasyon ang natanggap hinggil sa bomb threat at agad itong ipinarating sa New York Police Department.

Idinaan umano sa tawag sa telepono ang banta.

Tinatayang nasa 33,606 ang empleyado ng Facebook sa nasabing gusali.

Read more...