Pagpapatigil ng LTFRB sa operasyon ng Angkas, pinaburan ng SC

Photo credit: Angkas

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang hirit ng LTFRB na payagan silang ipagbawal ang operasyon ng transport network mobile app na Angkas.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, inaprubahan nito ang petisyon ng LTFRB na kumukwestyon sa unang desisyon ng Mandaluyong City RTC Branch 213.

Sa nasabing desisyon ng mababang korta inaprubahan ang hiling ng may-ari ng Angkas na pagbawalan ang LTFRB sa paghuli sa kanila.

Pero sa pasya ng Matataas na Hukuman, nagpalabas ito ng TRO na pipigil sa nasabing desisyon ng lower court at ibinalik ang kapangyarihan ng LTFRB na hulihin ang mga Angkas bikers.

Kasabay nito inatasan ng SC ang Angkas na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw.

Read more...