LOOK: Cancelled flights dahil sa sama ng panahon

Suspendido ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, Dec. 12.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), suspendido ang flight number M8 816/817 Manila – Basco – Manila ng Skyjet.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Batanes.

Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa airline company para sa re-booking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...