Balangiga Bells maaring makita ng publiko sa Air Force museum

Radyo Inquirer Photo | JAP DAYAO

Habang hinihintay ang petsa ng pagbiyahe sa Balangiga Bells patungong Eastern Samar maari itong makita ng publiko sa Philippine Air Force Museum.

Ilang araw na mamamalagi sa museum ng Air Force sa Villamor Air Base ang nasabing mga kampana.

Simula ngayong araw, maari itong makita ng publiko. Walang entrance fee para makapasok sa museum.

Bukas ito mula alas 8:00 ng umaga, pero kung maramihan gaya ng field trip ng mga estudyante ay mabuting makipag-ugnayan muna sa Air Force.

Target na maibiyahe pauwi ng Balaginga, Eastern Samar ang mga kampana sa Dec. 14 o 15.

Read more...