Informal settlers sa paligid ng Manila Bay, ire-relocate

Kuha ni Jomar Piquero

Nasa 300,000 informal settlers sa Manila Bay ang balak i-relocate ng gobyerno.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ito ay bilang bahagi ng rehabilitasyon ng dagat.

Itinuturong dahilan ng mataas na lebel ng polusyon sa Manila Bay ay ang mga basura na itinatapon ng mga informal settlers sa paligid ng katubigan.

Nananatiling lubhang mapanganib sa kalusugan ang paglangoy sa Manila Bay dahil sa mataas na coliform level.

Binigyan lamang ni Cimatu ng dalawang linggong palugit ang Manila Bay Coordinating Committeee upang bumuo ng work plan at simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Aminado naman ang kalihim na hindi sapat ang kakayahan ng gobyerno para ilipat ang mga iligal na naninirahan kaya unti-unti lamang anya itong gagawin.

 

Read more...