4 patay, 11 sugatan sa pamamaril sa Christmas market sa France

Apat ang patay habang 11 iba pa ang sugatan sa pamamaril na naganap malapit sa Christmas Market sa Stasbourg City sa France.

Inaalam pa kung ano ang motibo ng nag-iisang gunman sa ginawa nitong krimen.

Ayon kay Interior Minister Christophe Castaner, dati nang natukoy bilang banta sa seguridad ang suspek.

Para matiyak ang seguridad ng mga tao, dinala sila pansamantala sa basement ng isang supermarket hanggat hindi natitiyak na ligtas na ang lugar.

Nananatiling mataas ang alerto na ipinatutupad sa France dahil sa mga nagdaang pag-atake ng ISIS mula noong 2015.

Read more...