22-anyos na nangholdap ng construction worker arestado sa Valenzuela

Valenzuela City police photo

Naaresto ng mga otoridad ang isang 22 anyos na holdaper sa Valenzuela City.

Dinakip ang suspek na si Jomarie Cabalhin alyas Muymoy, 22 anyos.

Ayon sa Valenzuela City police, narinig ng mga nagpapaturlyang otoridad sa lugar ang sigaw ng 20-anyos na construction worker na humihingi ng tulong matapos siyang holdapin ng tatlong lalaki sa bahagi ng Maysan Road.

Agad rumesponde ang mga pulis at nakita ang tatlong holdaper na tumatakbo papalayo.

Pero inabutan ng mga pulis si Cabalhin habang nakatakas ang dalawang kasama nito.

Bitbit ng dalawang nakatakas ang cellhone ng biktima.

Nakuha mula kay Cabalhin ang isangfolding knife.

Read more...