No. 1 MWP ng Valenzuela nahuli na

Contributed photo

Makalipas ang anim na taong pagtatago ay naaresto na ng mga otoridad ang itinuturing na No. 1 Most Wanted Person (MWP) ng Valenzuela City para sa taong 2014.

Sa Barangay Tamblon, Cagayan de Oro City pa naaresto si Roberto Givera na nagtago sa pangalang Reynaldo Malonzo, Jr.

Nabatid na mayroong binuong pamilya si Givera sa lugar at hindi alam ng mga ito ang kinakaharap nitong kaso sa Valenzuela.

Ayon kay Valenzuela City Police Intelligence Branch chief, Police Chief Inspector Jessie Misal, isang residente sa Barangay Tamblon ang nakapanood sa programang SOCO tungkol sa pamamaslang ni Tamblon kay Domingo Dimas na aid ni Valenzuela City Vice Mayor Lorie Natividad-Borja noong siya ay konsehal pa lamang sa lungsod.

Agad na ipinagbigay ng residente sa mga otoridad ang tungkol sa kinaroroonan ni Givera, dahilan para ito ay madakip.

November 2012 nang pagsasaksakin ni Givera si Dimas na napag-alamang kanya palang kaibigan sa loob ng kanyang sariling bahay sa Barangay Parada, Valenzuela City.

Pinagnakawan din umano ni Givera ang biktima bago maganap ang pananaksak kaya naman sinampahan ito ng kasong robbery with homicide.

Dumepensa naman si Givera at sinabing self defense lamang ang kanyang ginawa na humantong sa kamatayan ni Dimas.

Read more...