5 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa isang katedral sa Brazil

AFP

Nagpatay sa sarili ang isang gunman matapos itong mamaril sa loob ng isang katedral sa Campinas, Brazil.

Ayon sa mga otoridad, bukod sa gunman, apat na iba pa ang nasawi dahil sa insidente, habang apat na matatanda naman ang nasa maayos nang kundisyon.

Sa ngayon ay hindi pa kinilala ng mga otoridad ang salarin, ngunit ipinaalam ng mga ito na dalawang baril ang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Ayon sa isang nakasaksi, katatapos lamang ng misa nang bigla umanong pumasok sa Metropolitan Cathedral ang suspek at namaril nang walang dahilan.

Batay sa nakuhang surveillance video sa loob ng katedral, naupo pa muna ang suspek at tila nag-isip kung itutuloy ang plano bago tuluyang namaril.

Bago naman magbaril sa sentido ang suspek at tinamaan pa ito ng bala mula naman sa mga rumespundeng pulis.

Read more...